^

Police Metro

Xander Ford inaresto sa kasong physical abuse at sexual assault sa ex-gf

Danilo Garcia - Pang-masa
Xander Ford inaresto sa kasong physical abuse at sexual assault sa ex-gf
Ang social media personality na si Marlou Arizala, na mas kilala sa pangalang Xander Ford na nakakulong sa MPD-Station 2 matapos arestuhin sa kasong isinampa sa kanya ng dating nobya na physical abuse at sexual assault.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inaresto kamakalawa ng gabi ng mga otoridad ang kontrobersyal na aktor at social media personality na si Xander Ford sa bisa ng warrant of arrest sa mga kasong isinampa ng kaniyang dating nobya.

Sa ulat ng MPD Intel Section, alas-7:30 ng gabi nang arestuhin sa loob ng isang restoran sa may Roxas Boulevard sa East Service Road, Pasay City si Xander Ford o Marlou Arizala sa totoong buhay, 24, nakatira sa San Francisco Sunnybrooke 2, Section 8, General Trias, Cavite.

Hindi na nakapalag si Arizala nang ihain sa kaniya ng mga pulis ang warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children Act, na isinampa ng dating nobya ni Arizala na si Ysah Cabrejas.

Itinanggi ni Arizala ang mga akusasyon at inakala na nagkasundo na nang mag-usap sila ng dating kasintahan, ngunit itinuloy rin pala nito ang kaso.

Ibinalik na ang warrant of arrest sa sala ni Judge Maria Celestina Cruz-Mangrobang ng Manila Regional Trial Court Branch 38 na naglaan ng P18,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Arizala.

vuukle comment

XANDER FORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with