^

Police Metro

Sundalo dedo sa motorsiklo

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang sundalo habang sugatan ang kanyang angkas matapos na rumampa sa center island ang minamanehong motorsiklo sa Maharlika National Highway at diversion road sa Brgy. Concepcion Pequena, Naga City, Camarines Sur, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Pvt. Leo Christoper Martinez, 23, residente ng Brgy. San Jose, Pili at kasapi ng 9th Infantry Batallion ng 9th Infantry Division ng Philippine Army habang  patuloy na ginagamot ang sugatang angkas na si Michaela Jacob, 21, ng Iriga City.

Sa ulat, alas-10:00 ng gabi ay minamaneho ni Martinez ang motorsiklo at angkas si Jacob at  mabilis na binabagtas ang kahabaan ng highway nang mawalan ng kontrol dahilan para bumangga sila at rumampa sa center island sa harapan mismo ng Naga City Police Precinct 2.

Mabilis na isinugod ang mga biktima sa ospital pero hindi na umabot nang buhay ang sundalo.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

SOLDIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with