^

Police Metro

Drug bust: 4 pusher napatay

Ludy Bermudo - Pang-masa
Drug bust: 4 pusher napatay
Ang sasakyan ng apat na drug suspek na napatay ng mga pulis matapos na manlaban sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Barangay Sta. Ana, Taguig City.
KJ Rosales

P272-M shabu nasamsam…

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang apat na drug pusher kabilang ang dalawang drug lords sa Central Visayas nang mauwi sa shootout ang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa C-6 Road, Brgy. Sta.Ana, Taguig City.

Kinilala ang dalawang nasawing drug lords na sina Christopher Ocarol alyas “Riking”, at Allan Catalan, habang inaalam pa ang pagkilanlan ng dalawang kasamahan.

Batay sa ulat, bago naganap ang shootout, alas-5:35 ng madaling araw  sa nasabing lugar ay nagpanggap na buyer ang isang pulis na nakabili ng isang kilo ng shabu na nakalagay sa tea bag sa mga suspek na sakay ng isang charcoal gray Mitsubishi Pajero FieldMaster (ZMR-277).

Nakahalata umano si alyas Riking na set-up ang transaksiyon kaya’t bumunot ng baril at pinaputukan ang poseur-buyer at dito na naglutangan at nakipagputukan ang mga nakaposteng operatiba at napatay ang mga suspek.

Nakarekober pa ng 39 na tea bags na nag­la­laman ng tig-iisang kilo ng pinaniniwalaang shabu na may katumbas na 6,900,000.00 ang kada kilo o katumbas na P269,100,000.00, bukod pa sa isang kilong nabili na sa kabuuan ay umabot sa halagang P272-M.

Narekober din mula sa mga suspek ang isang kalibre .45, isang kalibre .38, 2 unit ng 5.56 rifle (M4 Bushmaster, at maraming iba’t ibang uri ng mga bala, mga cellphone, sasakyan ng mga suspek at ang buy-bust money.

Sinabi ni NCRPO Acting Director P/Brig. General Vicente Danao Jr. na sina Ocarol at Catalan ay kilalang drug lords sa Central Visayas noon pang taong 2000 at source na ng malalaking shipments ng iligal na droga.

Kapwa umano nakulong sa New Bilibid Prison (NBP) ang dalawa maging sa Cebu City Jail, subalit nakalaya matapos madismiss ng Court of Appeals (CA) ang kanilang kaso noong 2015.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with