^

Police Metro

30 pang modern jeep at UV Express puwede nang bumiyahe bukas — LTFRB

Mer Layson - Pang-masa
30 pang modern jeep at UV Express puwede nang bumiyahe bukas � LTFRB
Batay sa Memorandum Circular (MC) 2020-083 na ipinasa ng LTFRB nitong Miyerkules, ang magiging ruta ng mga MPUJ ay ang Rodriguez Su­bur­ban-SM North EDSA habang ang bubuksang ruta para sa UV Express ay ang San Rafael-Cubao, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Simula bukas (Dis­yembre 21), maaari nang bumiyahe ang karagdagang 15 Modern Public Utility Jeepney (MPUJ) at 15 UV Express Units sa Kalakhang Maynila, dahil sa nakatakdang pagbubukas ng ruta ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) para sa kanila.

Batay sa Memorandum Circular (MC) 2020-083 na ipinasa ng LTFRB nitong Miyerkules, ang magiging ruta ng mga MPUJ ay ang Rodriguez Su­bur­ban-SM North EDSA habang ang bubuksang ruta para sa UV Express ay ang San Rafael-Cubao, Quezon City.

Ayon sa LTFRB, ang mga roadworthy Public Utility Vehicles (PUVs) ay maaaring bumiyahe kung sila ay may balido at Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity.

Ang bawat unit sa ruta na kasama sa MC ay dapat din anilang rehistrado sa Personal Passenger Insurance Policy. Kapalit naman ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ipagkakaloob sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa loob ng PUV. Ang QR Code ay maaa­ring i-download mula sa official website ng LTFRB na https://ltfrb.gov.ph/.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng ahensiya na walang pagtataas ng pasahe na maaaring ipatupad sa mga naturang UV Express at PUV, maliban na lang kung ipag-uutos ito ng LTFRB.

Binalaan din ng LTFRB ang mga MPUJ at Modern UV Express na tumalima sa mga panuntunan at mga probisyong ipinatutupad nila upang hindi mapatawan ng kaukulang parusa.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with