^

Police Metro

Quezon City fire: Empleyado ng NHA, utol na PWD patay

Mer Layson - Pang-masa
Quezon City fire: Empleyado ng NHA, utol na PWD patay
Kinilala ang mga biktima na sina Juanita Ramo, 58, at kanyang kuya na si Salvestre, 63, na naka-wheelchair, at kapwa residente ng BLPC Teacher’s Building sa Brgy. Bagong Pag-asa, QC.
File

MANILA, Philippines — Isang kawani ng National Housing Authority (NHA) at nakatatandang kapatid nito na PWD (PWD) ang kapwa patay matapos na makulong at ma-suffocate sa nasusunog na lumang residential building sa Brgy. Bagong Pagasa, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Juanita Ramo, 58, at kanyang kuya na si Salvestre, 63, na naka-wheelchair, at kapwa residente ng BLPC Teacher’s Building sa Brgy. Bagong Pag-asa, QC.

Nakatira umano ang magkapatid sa ikalimang palapag ng nasunog na gusali, kaya’t nahirapan silang makababa nang sumiklab ang sunog mula sa ikaapat na palapag ng naturang residential building, na pagmamay-ari ng isang Rogelio Quintero.

Batay sa ulat ni Bureau of Fire Protection (BFP) Quezon City District Director Senior Supt. Joe Bangyod, dakong alas-8:00 ng gabi nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikaapat na palapag na sinasabing maraming nakatambak na papel at mga gulong. Umakyat ang makapal at maitim na usok nito sa unit ng mga biktima na nasa ikalimang palapag, na nagresulta  para sila ay ma-suffocate at masawi.

Sinasabing isang nag-overheat na aircon ang pinagmulan ng sunog na umabot sa ikalawang alarma na tumagal lamang ng isang oras bago tuluyang naapula ang apoy ng mga bumbero, pasado alas-9:00 ng gabi.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with