^

Police Metro

23 katao na nagpa-party sa sementeryo, inaresto

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa paglabag sa health protocols ay ina­resto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang nasa 23 tao kabilang ang mga bisita na dumalo sa isang binyagan sa Manila North Cemetery, kamakalawa ng gabi.

Ang mga inaresto na karamihan ay mga bisita na dumayo lamang sa loob ng sementeryo para maki­pagkasiyahan ay dinala sa presinto.

Sa ulat, alas-9:00 ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang lugar kung saan inabutan ang mga inaresto na umiinom ng alak at nagkakantahan sa videoke.

Kapansin-pansin rin na magkakadikit ang mga bi­sita at pawang mga walang suot na face masks.

Sinabi ni Police Lt/. Col. John Guiagui, hepe ng Sta. Cruz Police Station, na may nagsumbong sa kanila ukol sa isang party sa loob ng sementeryo na napag-alamang idinaos matapos ang isang binyag.

Bukod sa paglabag sa mga safety protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force for Emer­ging Infectious Diseases (IATF), lumabag din ang mga dinakip sa City Ordinance 5555 o ang pagbabawal sa pag-iinuman sa mga pampublikong lugar tulad ng mga kalsada o sa pagkakataong iyon ay sa mga nitso ng sementeryo.

vuukle comment

SEMENTERYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with