^

Police Metro

Makabayan solons tiwala na hindi sila iimbestigahan ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na hindi makikinig at hindi bibigay sa pressure si House Speaker Lord Allan Velasco mula sa mga anti-communist group na nanawagan na imbestigahan ng House of Representatives ang Makabayan Bloc hinggil sa kaugnayan nito sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay Gaite, tiwala silang mananatili ang “good judgement” ni Velasco sa isyu ng red tagging laban sa anim na miyembro ng Makabayan Bloc na mula sa Gabriela Party­list, Kabataan Partylist, ACT Teachers Partylist at Bayan Muna.

Aniya, sa isinagawang Senate hearing sa isyu ng red-tagging ay nabigo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-EL­CAC) na magharap ng ebi­densyang magpapatunay na kaalyado sila ng CPP-NPA kaya naman kahit mag­sawa ng House Inquiry ay ganito rin ang kahihinatnan.

Giniit ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na walang batayan ang panawagang House Inquiry dahil pawang gawa gawa lamang ang alegasyon laban sa kanila ng NTF-ELCAC na ang tunay na pakay ay matanggal sila bilang miyembro ng Kongreso.

Sa kabilang banda, nanindigan si League of Pa­rents of the Philippines (LPP) Chair Remy Rosadio na hindi dapat sa mga kapwa­ mambabatas nakikinig si Velasco kundi sa boses ng nakararami, anya, hanggang nana­natili sa Kamara ang Makabayan Bloc ay patuloy na mas ma­raming kabataan ang mare-recruit na sumanib sa NPA.

Binatikos din ni Hands Off Our Children Founder Gemma Labsan ang ka­walang aksyon ng Ka­mara sa kanilang pana­wagan na magkaroon ng isang House Inquiry, aniya, ka­nilang hiniling sa Senado na imbestigahan ang red-tagging na agad na inaksyunan kaya nakapagtatakang hindi ito kayang gawin ng Mababang Kapulungan gayong sila ang may hurisdiksyon sa Makabayan Bloc.

Naniniwala si Labsan na malaki ang magagawa ng isang House Inquiry para malaman ang katotohanan sa ginagawang recruitment ng Makabayan Bloc sa mga kabataan para sumali sa communist group.

Samantala, aminado naman ang ilang mambabatas na tumangging magpabanggit ng pangalan na malabong mangyaring magkaroon ng imbestigas­yon ang Kamara laban sa sarili nitong miyembro, bukod sa hindi pa umano ito nangyayari ay tali din ang kamay ni Speaker Velasco dahil minsan na niyang naipagtanggol ang Makabayan Bloc sa isyu ng red-tagging at pawang kaalyado rin niya ang mga ito sa Kamara.

vuukle comment

KAMARA

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with