^

Police Metro

Los Baños mayor itinumba sa munisipyo

Arnell Ozaeta - Pang-masa
Los Baños mayor itinumba sa munisipyo
Mayor Perez

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang mayor ng Los Baños, Laguna matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek habang ito ay nag­lalakad sa loob ng compound ng muni­sip­yo, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, alas-8:45 ng gabi ay katatapos lang magpamasahe ni Mayor Cesar Perez at naglalakad patungong municipal hall sa Barangay Timugan nang lapitan ng gunman at barilin sa ulo ng dalawang beses.

Nang bumulagta si Perez ay mabilis na tumakas ang suspek.

Naisugod pa si Perez sa HealthServ Medical Center pero idineklara na itong patay sa ganap na alas-9:25 ng gabi.

Nabatid na si Perez, na dati ring vice-go­vernor ng Laguna ay kabilang sa 46 “narco politicians” na pina­ngalanan ni President Rodrigo Duterte matapos masampahan ng mga kaso sa Department of the Interior and Local Go­vernment noong 2019.

Noong December 2017, tinanggalan ng kapangyarihan si Perez para sa lokal na pulisya matapos masangkot sa illegal na droga. - Doris Franche

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with