^

Police Metro

Kamara hinamong imbestigahan ang leftist solons

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dapat anyang gampanan ni House Speaker Lord Allan Velasco ang pagiging lider ng Mababang Kapulungan upang imbestigahan ang mga Makabayan solons na ni-red tagged umano ng militar at sinabi pa ni Pa­ngulong Duterte na front sila ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito ang naging pagha­mon ng mga grupong Lea­gue of Parents of the Phi­lippines (LPP), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), Hands Off Our Children (HOC) at grupong Yakap ng mga Magulang.

Anila, ang Kamara at hindi ang Senado ang may hurisdiksyon sa Makabayan Bloc kaya naman hinihintay ng publiko ang aksyon ni Velasco sa patuloy na pagtanggi ng mga progressive solons na wala silang koneksyon sa communist groups.

Giit ni LPP Chair Remy Rosadio na bago pa man maging tagapagtanggol ng Makabayan Bloc si Velasco na walang ebidensiya si General Parlade sa akusasyon na red-tagging ay mayroon nang malinaw na ebidensya na dapat nitong gampanan ang kanyang pagiging lider.

Ayon naman kay Gemma Labsan, founder ng Hands Off Our Children na nakikipag-ugnayan na sila sa ibat ibang Non Governmental Organizations (NGOs) mula sa ibat ibang sektor para kalampagin ang Kamara na umaksyon laban sa Makabayan Bloc na makapagsagawa ng imbestigasyon.

Subalit, nakapagta­takang hindi ito umano kumikilos sa kabila na rin ng malinaw na pronouncement ni Pangulong Duterte na may ugnayan ang progressive solons sa makakaliwang grupo.

vuukle comment

CCP

LORD ALLAN VELASCO

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with