^

Police Metro

AFP sa CPP-NPA: Walang tigil putukan!

Doris Franche - Pang-masa
AFP sa CPP-NPA: Walang tigil putukan!
Ayon kay AFP Spokesman Maj. Gen. Edgard Arevalo, ilang ulit nang nagpakita ng kawalan ng sinseridad ang mga komunista kapag nagdedeklara ng holiday truce ang pamahalaan.
File

MANILA, Philippines — Walang balak ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdedeklara ng ceasefire sa CPP-NPA ngayong holiday season.

Ayon kay AFP Spokesman Maj. Gen. Edgard Arevalo, ilang ulit nang nagpakita ng kawalan ng sinseridad ang mga komunista kapag nagdedeklara ng holiday truce ang pamahalaan.

Taun-taon ay lumalabag aniya ang mga komunista sa kanilang sariling ceasefire declaration.

Ayon kay Arevalo, pumapasok lamang sa peace talks ang mga komunista para sila ay magkaroon ng tsansa na mag-regroup at mag-recruit ng mas maraming miyembro.

Giit ni Arevalo, hindi nila papayagan na linla­ngin sila ng makakaliwang grupo hanggang hindi nagagapi ang tunay na utak ng karahasan.

Batay sa record ng militar, napatay ang isang sundalo at sugatan ang walo nang umatake ang NPA sa Camarines Sur at Iloilo, ilang araw bago mag-Pasko na paglabag sa holiday ceasefire.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with