^

Police Metro

Mag-amang ex-mayor ng Mariveles kinasuhan ng 10 bilang ng graft and corruption

Doris Franche - Pang-masa
Mag-amang ex-mayor ng Mariveles kinasuhan ng 10 bilang ng graft and corruption
Sa magkakahiwalay na reklamo ng MMLK laban kina dating Mariveles Mayors Jesse I. Concepcion at anak na si Ace Jello (AJ), nakasaad dito na ang mag-amang Concepcion ay lumabag sa Republic Act (RA) No. 3019, o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act,” at RA No. 9184, o “Government Procurement Reform Act,” gayundin ang Malversation of Public Funds at Usurpation of Authority.
File

MANILA, Philippines — Sampung bilang na kasong graft and corruption ang isinampa ng Mamamayan ng Mariveles Laban Sa Kurapsyon Incorporated (MMLK) sa Office of the Ombudsman laban sa mag-ama na dating mga mayor ng Mariveles, Bataan.

Sa magkakahiwalay na reklamo  ng MMLK laban kina dating Mariveles Mayors Jesse I. Concepcion at  anak na si  Ace Jello (AJ), nakasaad dito na ang mag-amang Concepcion ay lumabag sa Republic Act (RA) No. 3019, o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act,” at RA No. 9184, o “Government Procurement Reform Act,” gayundin ang Malversation of Public Funds at Usurpation of Authority.

Ang MMLK ay nakarehistro bilang non-stock corporation na nakabase sa Mariveles at nirerepresenta ng pangulo nito na si Joseph Preyra  at Corporate Secretary, George Roblee Imperial Jr.

Base pa sa reklamo, nagkaroon umano ng sabwatan para paboran ang contractors na ipatupad ang mga proyekto ng gobyerno ng walang kaukulang legal procedures at kabiguang isumite ang documentary requirements na nakasaad sa RA 9184 at implementing rules and regulations nito.

Si ex-Mayor Jesse Concepcion na nanungkulan mula 2007-2016 at kanyang anak na si AJ ang pumalit sa kanyang ama mula 2016, subalit natalo noong 2019.

Tinatayang P32 milyon umano ang nagastos ng mag-ama sa mahigit na 10 proyekto na kasama ngayong sa reklamo ng grupo na nangyari sa termino ni AJ.

Ayon sa MMLK maituturing na usurpation of authority sa ilalim ng Article 177 Revised penal code ang ginawa ni AJ dahi ito umano ang nagrepresenta bilang  municipal mayor ng Mariveles sa lahat proyekto na ang kanyang ama na si Jesse ang nagtatag at nag-published ng Bid Notice Abstract- Invitation to Bid para sa mga proyekto sa pamamagitan ng Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS).

Nakasaad din sa reklamo na lumabag ang respondents sa Anti-Graft and Corrupt practices act dahil sa pagtuloy sa proyekto at paggasto sa pondo ng gobyerno kahit walang official contract dahil expired na ang lisensya ng kontraktor at kawalan ng documentary.

vuukle comment

CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with