P4.5 trilyong national budget sa 2021, aprub na sa Senado
MANILA, Philippines — Sa botong 22 pabor, inaprubahan ng Senado ang House Bill No. 7727 o ang panukalang P4.5 trilyong pambansang badyet sa 2021, sa ginanap na hybrid session.
Nagpasalamat si Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, sa lider at kasamahan sa Senado sa paghimay sa budget bill at nananatili sa schedule upang maipasa ang panukala sa tamang panahon sa kabila ng mga hamon tulad ng bagyo, baha, power outages at pandemya.
Kinilala naman ni Angara ang amendments na inihain ng kasamahan upang mapatibay ang pagtugon sa COVID-19.
- Latest