4 natusta sa loob ng nasunog na 2 van
MANILA, Philippines — Natusta ang apat na katao na sakay ng dalawang van matapos na ito ay magliyab nang magsalpukan kahapon ng madaling araw sa Valladolid, Negros Occidental.
Apat sa mga nasawi ay ang magkapatid na sina Wendel at Carlo Larios, residente ng Mabinay City, Negros Oriental. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang sakay ng isa pang van.
Sa ulat ng pulisya,bago naganap ang salpukan ng dalawang van, alas-12:15 ng hatinggabi sa pakurbang daan sa Barangay Sagua Banwa, Valladolid ay lulan ng wing van (MZK 1767) ang magkapatid na Larios na papunta sa north direction nang makasalpukan ang van na may plakang MHA 4613 na papunta naman sa Dumaguete City, Negros Oriental upang maghatid ng produkto.
Sa lakas nang salpukan ay kapwa nagliyab ang dalawang van na kung saan ay hindi nakalabas ang mga sakay nito na nasunog sa loob.
Halos tumagal ng mahigit apat na oras bago nailabas ang sunog na bangkay ng apat na biktima.
- Latest