^

Police Metro

Emergency cash lanes sa tollways panatilihin muna — LCSP

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangga’t wala pang inter-operability ang Autosweep at Easytrip ay iginiit ng Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pamahalaan na panatilihin ang emergency cash lanes sa tollways.

Ito ang hiling ng LCSP President Ariel Inton dahil sa malapit na ang deadline ng Dept.of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) sa cash transaction sa mga tollways, subalit marami pa ring problema sa RFID ang nararanasan ng mga motorista.

“Hindi kami tutol sa RFID system pero dapat may option ang mga motorista sa mga emergency cases o para sa mga bihira naman dumaan sa tollways,” pahayag ni Inton.

“Halimbawa ang mga taxi. Pagpalagay mo na may RFID sticker sila.Pero naubos ang load. May pasaherong sakay na ang destinasyon ay sa tollgate ang daan-magpapaload ba agad ang taxi driver o pasahero. At saan sila papa-load? Magha­hanap pa ng loading station? Sa mga emergency cases naman. Kung bihira ka naman dumaan sa tollgate lalo na yung mga taga-probinsya na luluwas isa o dalawang beses isang taon di ba pwedeng cash transaction na lang sila? Pero baka raw magkahawaan ng Covid-19 pag-cash transaction?” sabi pa ni Inton.

Nilinaw ni World Health Organization (WHO) spokesperson Fadela Chaib na walang specific research na nagpapatunay na ang cash transaction ay nagta-transmit ng COVID-19.

Umaasa si Inton na dapat ay pagbigyan ng DOTr at TRB ang pa­nanatili ng emergency cash lanes sa mga tollways para may option ang mga motorista hangga’t hindi pa nila naaayos ang inter-operability ng dalawang concessionaires at hindi pa nahaharap at nabibigyang sagot ang mga reklamo ng mga motorista sa loading, barrier at installation.

vuukle comment

RFID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with