^

Police Metro

Girder ng skyway bumagsak: 1 patay, 4 sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isa katao habang apat ang nasugatan nang aksidenteng bumagsak ang isang steel girder sa East Service Road, northbound lane mula sa itinatayong Skyway extension project, sa bahagi ng Barangay Cupang, Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Idineklarang dead-on-arrival sa Alabang Medical Clinic sa Alabang, Muntinlupa City ang biktimang si Paquibot Edison Visaga matapos masapol at mabagsakan ng girder na habang nagmamaneho ng kanyang Yamaha Mio Soul motorcycle (DA 36154).

Nilalapatan naman ng lunas na sa Asian Hospital at  ang mga sugatang sina Angelito Malao, 30-anyos, residente ng Peralta Compound, Brgy. San Miguel, Pasig City; John Paul Gonzales, 27, residente ng Maligaya St., Brgy. Chrysantimum, San Pedro, Laguna, habang inaalam ang pagkilanlan ng dalawa pa.

Nawasak ang isang Toyota Vios taxi, isang  Hyundai H100,  isang Mitsubishi Adventure, isang Yamaha Mio, isang Honda Beat, isang Yamaha Mio Soul, at isang Suzuki Raider na dumaraan nang mabagsakan ng steel girder dakong alas-8:50 ng umaga sa tapat ng Uratex sa East Service Road, bukod pa sa konkretong poste na naputol.

Dahil dito, sarado na sa motorista ang magka­bilang lane o north at southbound lanes dahil sa pangyayari na nagbunga ng buhol-buhol na daloy ng trapiko.

Sa statement ng EEI Corp. , ang construction company, nakaposisyon ang crane para sa susunod na ikikiling na steel girder nang bumagsak at tinamaan ang mga dumaraang sasakyan.

Tiniyak naman ng EEI na ginagawa na nila ang paraan na makontak ang mga kaanak ng  mga biktima at handa silang ipagkaloob ang kaukulang tulong kaugnay sa pangyayari.

vuukle comment

EXPRESSWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with