^

Police Metro

2 karnaper ng motor dedo sa shootout

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang dalawang karnaper ng motorsiklo matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isang checkpoint kahapon ng madaling araw sa Bypass Road, Brgy. San Roque, San Rafael, Bulacan.

Ayon kay P/Lt. Col. Ferdinand Germino, San Rafael Chief of police, dakong alas 5:10 ng madaling araw nang maka-engkwentro nila ang dalawang hindi pa nakikila­lang karnapper sa inilatag na checkpoint.

Nauna nang iniradyo ng mga pulis sa Bulacan Highway Patrol Team na may insidente ng pagnanakaw ng isang Yamaha Mio sa Brgy. Sampaloc dakong alas-3:20 ng madaling araw.

Nagsagawa agad ng dragnet operations ang mga otoridad at naglatag ng mga checkpoints sa mga posibleng dadaanan ng dalawang suspek.

Nang malusutan ng dalawang suspek ang inilatag na checkpoint ay doon na nagkaroon ng habulan at palitan ng putok sa pagitan ng mga otoridad at suspek na humantong sa pagkakapaslang sa dalawang nasabing karnaper.

Nabawi sa mga napatay na suspek ang ninakaw na motorsiklo, isang caliber .38 revolver, sub machine gun at dalawang plastic sachet ng shabu.- Doris Franche

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with