^

Police Metro

Buong Luzon inilagay na sa state of calamity ni Duterte

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos irekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay inilagay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa state of calamity.

Sa public address ng Pangulo nitong Martesng gabi, ipinaalala sa kanya ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang naging rekomendasyon nila tungkol sa pagdedeklara ng state of calamity sa buong Luzon.

“Kami po sa NDRRMC ay nagmungkahi sa Office of the President na i-declare na state of calamity itong buong island ng Luzon at saka ‘yung mga karatig na mga isla,” ani Lorenzana.

Nauna rito, tiniyak ng Malacañang ang pagdedeklara ng state of calamity sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo kabilang ang mga lugar na binaha sa Region II.

Base sa Republic Act 10121 o  Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010,otomatikong nagkakaroon ng price freeze sa mga pangunahing pangangailangan sa loob ng 60 araw, maliban na lang kung iaangat ang deklarasyon bago pa matapos ang 60 araw.

Maaari ring magpataw ng price ceiling o hangganan sa pagtataas ng presyo, sa mga pangunahing pangangailangan at bilihin ayon sa rekomendasyon ng mga ahensya.

vuukle comment

STATE OF CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with