^

Police Metro

Bus firm naghatid ng ayuda sa sinalanta ng bagyo

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bus firm naghatid ng ayuda sa sinalanta ng bagyo
Dalawang bus ng Five-Star Bus ang nagtungo sa Cagayan at Isabela province para magsagawa ng relief operation sa mga sinalanta ng naturang bagyo doon.
Five Star Bus Company/Facebook

MANILA, Philippines — Nagbayanihan ang ilang bus companies para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Isabela at Cagayan.

Dalawang bus ng Five-Star Bus ang nagtungo sa Cagayan at Isabela province para magsagawa ng relief operation sa mga sinalanta ng naturang bagyo doon.

Ayon kay Gian Couton, Coordinator ng Tulong Cagayan ipinabatid nito sa publiko partikular na sa mga grupong nais tumulong sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng bagyong Ulysses sa Cagayan Valley at Isabela na ang kanilang mga bus ay handang tumulak at maghatid ng mga relief goods pa­tungo sa  Cagayan Valley at Isabela.

Nanawagan din ito sa mga good Samaritan na nais tumulong ay maaari nilang ipadala ang kanilang mga donasyon sa kanilang terminal ng Five-Star sa Edsa Cubao upang ipadala ang kanilang mga ibibigay na donasyon patungong Cagayan Isabela na kayang puntahan kahit pinakamalayong lugar sa bahagi ng Norte.

vuukle comment

BUS

TRANSPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with