^

Police Metro

Malacañang bumuo ng ‘build back better task force’ para sa biktima ng bagyo

Malou Escudero - Pang-masa
Malacañang bumuo ng �build back better task force� para sa biktima ng bagyo
Ito’y matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbuo ng task force na naglalayong i-fast-track ang rehabilitation efforts para sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses.
Reuters/Eloisa Lopez

MANILA, Philippines — Nagsimula na ang Malacañang na gumawa ng executive order (EO) para sa pagbuo ng task force na nakatuon sa disaster preparedness and post-calamity rehabilitation at recovery efforts.

Ito’y matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbuo ng  task force na naglalayong i-fast-track ang rehabilitation efforts para sa mga naapektuhan ng  bagyong Ulysses.

Ani Sec. Roque, ang task force na kikilalanin bilang “Build Back Better Task Force” ay pamumunuan ni Executive Secretary Salvador Medialdea habang ang  Departments of Agriculture, Public Works and Highways, Department of  Budget and Management, Social Welfare and Development,  National Irrigation Administration, National Electrification Administration, at  National Housing Authority ay kabilang naman sa mga miyembro nito.

Ang paglikha o pag­buo ng task force ay tinapatan naman ng mga pagbatikos simula pa na ang pamahalaan ay  mayroong National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang apela lang ni Sec. Roque ay  bigyan ng tsansa ang plano.

“Ang solusyon talaga diyan ay iyong creation ng Department of Disaster Resilience. Eh hindi pa po lumalabas. So obviously hindi po talaga sapat yung Council (NDRRMC) na gumagana bagama’t mayroon tayong Executive Director na napakagaling na si Usec. Jalad,” ang pahayag ni Sec. Roque.  

vuukle comment

TASK FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with