^

Police Metro

State of calamity idineklara sa Cagayan at Isabela

Raymund Catindig - Pang-masa
State of calamity idineklara sa Cagayan at Isabela
Makikita sa kanang larawan na maingat at matiyagang itinatawid ng isang Coast Guard officer ang isang baby na inilagay sa batya.
PCG photo

MANILA, Philippines — Idineklara na kahapon ang “state of calamity” sa mga lalawigan ng Caga­yan at Isabela bunsod ng sunud-sunod na bagyo at walang puknat na pag-ulan na sumalanta sa mga pananim, imprastraktura, ari-arian at kumitil ng mara­ming buhay.

Batay sa Resolution No. 2020-10-768, agad na inaprubahan ng mga miyembro ng Sanggu­niang Panlalawigan na isailalim ang buong Cagayan sa state of calamity para gamitin ang quick response fund sa pagbibigay ng agarang ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng mga pagbaha.

Ayon kay Gov. Manuel Mamba, ang malawakang pagbaha sa Cagayan ang may pinakamalawak at pinakama­laking pinsala sa kasaysayan ng lalawigan sa nakalipas na mahigit 40 taon matapos na tamaan ang 26 na bayan nito at isang lungsod kung saan 9 ang naitalang nasawi, maraming kabahayan ang nawasak at tinatayang 43,838 pamilya o 175,000 indibiduwal mula 215 barangay ang naapektuhan sa tubig-baha dulot ng bagyong Ulysses. 

Sinabi ni Mamba na ang Cagayan ang sumasalo ng lahat ng malalaking ilog na dumadaloy mula sa mga kalapit na lalawigan tulad ng Apayao, Kalinga, Mt. Province kabilang na ang Ibulao River ng Ifugao at Magat River ng Nueva Vizcaya na pumupuno naman sa Magat Dam na nagpakawala rin ng tubig, bago dumaloy at nagpaapaw sa dambuhalang Cagayan River kung saan umaagos din lahat ang mga ilog sa Isabela.

Nanawagan na ng tulong si Mamba sa national government dahil sa inabot nilang delubyo matapos na magmistulang Pacific Ocean ang ma­laking bahagi ng kanilang lalawigan. Aniya, nasa 47,081 residente na ang nai-rescue hanggang nitong Biyernes ng gabi at marami pa ang naghihintay ng tulong na masagip sila sa mga bubungan ng kanilang mga tahanan.

Samantala, isinailalim din sa state of calamity ang Isabela matapos aprubahan ni Isabela Vice Governor Faustino Dy III ang Provincial Board Resolution kasunod ng 12 araw na walang puknat na pana­nalasa ng mga bagyong Rolly, Siony, Tony, Ulysses at ang Amihan sa lalawigan. - Victor Martin, Joy Cantos

vuukle comment

STATE OF CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with