^

Police Metro

Quezon road tragedy: 4 utas

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay ang 4 katao kabilang ang isang Indian national sa magkakahiwalay na vehi­cular accident kamakalawa sa lalawigan ng Quezon.

Naitala ang unang aksidente, alas-3:45 ng hapon sa Maharlika Highway, Barangay Talisay, Tiaong, Quezon na kung saan ay bumabagtas ang tricycle na minamaneho ni Aldrich Mendoza, 29 sakay ang pasaherong si Joel Delos Reyes, 41, nang mawalan sila ng kontrol dahil sa ma­dulas na kalye at bumangga sa Bicol bound na Wing Van truck ni Alger Garcia.

Namatay noon din si Delos Reyes habang hindi na umabot ng buhay sa ospital si Mendoza.

Samantala, alas-6:15 ng gabi ay namatay noon din ang Indian national na si Kumar Manjit, 36 matapos mabangga habang nagmomotor ng trak na minamaneho ni Philip Abdula, 37, sa Diversion Road, Barangay Domoit, Lucena City.

Patay din si Wilfredo Oreta, 63, matapos mabundol ng kotse na minamaneho ng negos­yanteng si Mark Losloso, 29, ng Barangay Ibabang Dupay.

vuukle comment

ROAD TRAGEDY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with