^

Police Metro

Anomalya sa Noynoy admin hahabulin ni Duterte

Gemma Garcia - Pang-masa
Anomalya sa Noynoy admin hahabulin ni Duterte
Kasama sa tinukoy ng pangulo ang toilet project sa Philippine National Railways (PNR) kung saan magkakatabi ang inidoro at walang dividers. Ang naturang pro­yekto ay sa ilalim ng admi­nistrasyon ni da­ting Pa­ngulong Benigno Aquino III.
STAR/Jeremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Pinabubuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon sa mga nagdaang anomalyang bumalot sa pamahalaan.

Kasama sa tinukoy ng pangulo ang toilet project sa Philippine National Railways (PNR) kung saan magkakatabi ang inidoro at walang dividers.

Ang naturang pro­yekto ay sa ilalim ng admi­nistrasyon ni da­ting Pa­ngulong Benigno Aquino III.

Sa kaniyang pre-recorded public address, pinababalikan ng pangulo ang mga maanomal­yang proyekto at kwes­tyonableng programa ng gobyerno.

Binanggit din ng pa­ngulo ang mga anomalya sa road right of way.

Binalaan ng pa­ngulo ang mga opisyal ng pamahalaan na nasangkot sa mga nagdaang korap­syon na hahabulin pa rin sila ng admi­nistrasyon at iimbestigahan.

Sinabi ng pangulo na gugugulin niya ang nala­labi niyang dalawang taon pa sa pwesto sa paghahabol sa mga korap sa gobyerno at pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

vuukle comment

BENIGNO AQUINO III

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with