^

Police Metro

Sangkot sa ‘pastillas scheme’... 86 opisyal at tauhan ng BI kinasuhan

Danilo Garcia - Pang-masa
Sangkot sa �pastillas scheme�... 86 opisyal at tauhan ng BI kinasuhan
Parte rin umano ng iligal na operasyon ang lahat ng pinuno ng Terminal Control and Enforcement Unit ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, 2 at 3 at lahat ng pinuno ng Border control and Intelligence Unit.
Bureau of Immigration Facebook page

MANILA, Philippines — Umaabot sa 86 opis­yal at tauhan ng Bu­reau of Immigration (BI) na sangkot sa kontrobersyal na “pastillas scheme” ang inirekomendang kasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kriminal at administratibo.

Kabilang sa kinasuhan ay ang walong opisyal ng BI kasama na si dating Commissioner Marc Red Mariñas na siyang itinuturong mastermind ng sindikato.

Parte rin umano ng iligal na operasyon ang lahat ng pinuno ng Terminal Control and Enforcement Unit ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, 2 at 3 at lahat ng pinuno ng Border control and Intelligence Unit.

Sa 86 na kinasuhan, 19 dito ay kabilang sa unang batch na kinasuhan ng NBI at 67 ay mga bagong persona­lidad.

Bukod sa pera na ibi­nabalot sa dyaryo kung saan nakuha ang termino na pastillas, ilan sa mga sinampahan ng kaso ay tumanggap rin ng mga regalo maging sex sa mga dayuhang babae na pumapasok sa bansa bilang sex workers.

Kumpiyansa naman si NBI Special Action Unit chief, Atty. Jun Donggalo na malakas ang kanilang mga ebidensya at matibay na testimonya ng ikalawa nilang ‘whistle-blower’ na si Dale Ignacio na kumumpirma sa mga ipinagtapat ng una nilang saksi na si Immigration Officer Allison Chiong.

vuukle comment

BI

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with