^

Police Metro

Malacañang ‘di magbibigay ng timeline sa balanseng P500 milyon ng PhilHealth sa Red Cross

Gemma Garcia - Pang-masa
Malacañang �di magbibigay ng timeline sa balanseng P500 milyon ng PhilHealth sa Red Cross
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na aniya ang nagbigay ng garantiya na hindi tatakbuhan ng PhilHealth ang utang.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ayaw na munang magbigay ng timeline ang Palasyo ng Malacanang kung kailan babayaran ng PhilHealth ang balanse na P500 milyon na utang sa Red Cross para sa COVID-19 swab test sa mga umuuwing OFW.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mahirap na paasahin ang Red Cross lalo’t nakararanas ngayon ang bansa ng sunud-sunod na bagyo.

“Mahirap kasing magbigay ng timeline sa gobyerno ano, lalo na sa panahon na ganito na nasasalanta tayo ng mga bagyo gaya ni Rolly ‘no,” ani Roque.

Hindi naman aniya dapat na mag-alala ang Red Cross dahil sapat ang pondo ng pamahalaan para bayaran ang utang.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na aniya ang nagbigay ng garantiya na hindi tatakbuhan ng PhilHealth ang utang.

Sa ngayon, may ginagawa pang pag-aaral ang Department of Justice (DOJ) sa pinasok na kasunduan ng PhilHealth sa Red Cross para sa swab test.

vuukle comment

PHILHEALTH

RED CROSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with