^

Police Metro

AFP-NOLCOM umalerto sa bagyong Siony

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni AFP-Northern Luzon Commander Major Gen. Arnulfo Burgos Jr., nakahanda na ang tropa na magdeploy ng 249 Disaster Response teams ng mga sundalo sa mga lugar sa hilagang Luzon na nagbabadyang tamaan ng bagyong Siony.

Sa ulat ng weather forecaster ang bagyong Siony, ang ikatlong bagyo na tatama sa bansa sa loob ng tatlong linggo ay ha­hagupit sa Northern Luzon na pinangangambahan ngayong araw o Biyernes depende sa kilos ng nasabing unos na patuloy na minomonitor.

Binigyang diin ni Burgos na may sapat na kasanayan ang tropa ng mga sundalo sa Humanitarian Assistance Disaster Response (HADR) sa panahon ng kalamidad partikular na sa paghagupit ng mga bagyo.

Ayon kay Burgos bilang bahagi ng pro active measure ng AFP-NOLCOM, 249 Disaster Res­ponse Teams ang minobilisa na at idineploy sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera Administrative Region upang magsagawa ng search, rescue and relief operations.

Ayon sa weather bureau ay napanatili ni Bagyong Siony ang kanyang lakas habang patuloy ang pagkilos ng mabagal sa may Philippine Sea silangan ng Extreme Northern Luzon at sa layong 755 kilometro ng silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng ha­ngin na umaabot sa 85 kilo­metro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 105 kilo­metro bawat oras.- Angie dela Cruz

vuukle comment

AFP

BAGYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with