^

Police Metro

Seniors na apektado ng bagyo bigyan ng prayoridad

Joy Cantos - Pang-masa
Seniors na apektado ng bagyo bigyan ng prayoridad
Nakipag-ugnayan na si Cong. Ordanes sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) para sa agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga senior sa Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila at Central Luzon.
STAR/Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Hiniling ni Senior Citizen partylist Congressman Rodolfo Ordanes sa pamahalaan na gawing prayoridad sa pagbibigay tulong sa mga senior citizen  na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Cong. Ordanes na nakita niya sa telebisyon, social media at naririnig sa radio ang mga bahay na natabunan ng putik  at kailangan umakyat ng bubungan para makaligtas sa rumaragasang tubig baha.

Nakipag-ugnayan na si Cong. Ordanes sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) para sa agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga senior sa Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila at Central Luzon.

Binanggit nito, nakasaad sa Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, prayoridad na mabigyan tulong ang mga nakakatanda, partikular na ang mga gamot, pagkain at kanilang mga pangangailangan.

Una nang sumulat si Ordanes kay Pangulong Duterte para payagan na rin makalabas ang mga ‘senior’ na sa edad hanggang 70, pagsapit ng Disyembre para makabili ng gamot sa botika, makabili ng pagkain at inumin, makapagsimba, at makita ang mga anak, apo, pamangkin, at inaanak.

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with