Kamara nagbigay ng tribute sa mga pumanaw na kasamahan
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni House Speaker Lord Allan Velasco ang memorial service sa mga mambabatas at mga kawani nito na yumao ngayong taon sanhi ng iba’t ibang kadahilanan na isinagawa sa House Plenary bilang paggunita sa Araw ng mga Patay.
Ayon kay Velasco, dahil sa ipinatupad na quarantine ay hindi lahat ng mga yumaong mambabatas ay nabigyan ng tribute kaya naman ngayong Araw ng mga patay ay ito ang siyang kanilang ibibigay na pagkilala.
Ang mga miyembro ng 18th Congress na nasawi nitong mga nakalipas na buwan ay sina Benguet Rep. Nestor B. Fongwan; Camarines Sur 1st District Rep. Marissa Andaya; Senior Citizens Partylist Rep. Francisco G. Datol, Jr; at Sorsogon 2nd District Rep. Bernardita “Ditas” Ramos.
Binigyan din ng pagkilala ang mga dating mambabatas na sumakabilang buhay ngayong taon kasama sina dating Speaker and Camarines Sur Rep. Arnulfo ”Noli” P. Fuentebella; dating Isabela Rep. Heherson Alvarez; dating Malabon/Navotas Rep. Maria Teresa Aquino-Oreta; dating Rizal Rep. Edgardo Ilarde; dating Tarlac Rep. Eduardo Cojuangco, Jr.; dating Ifugao Rep. Romulo Luma; dating Pangasinan Rep. Amadeo Perez, Jr.; dating Samar Rep. Milagrosa Tan; dating Batangas Rep. Edgar Mendoza; dating Manila Rep. Martin Isidro; Cebu Rep. Antonio Cuenco; Iloilo Rep. Arcadia Gorriecta; dating COOP NATCCO Partylist Rep. Jose Ping-ay; dating Negros Occidental Rep. Alfredo Marañon Jr. dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco Jr.; dating 1-UTAK Partylist Rep. Zenaida De Castro-Maranan; dating Basilan Rep. Elnorita Tugung; dating Nueva Ecija Rep. Pacifico Fajardo; at dating Sulu Rep. Yusop Jikiri.
Binigyang pugay din ng Kamara ang 21 empleyado ng Mababang Kapulungan na nasawi ngayong taon na ang iba ay sanhi ng COVD-19.
- Latest