9 patay kay Quinta-NDRRMC
MANILA, Philippines — Iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal na umakyat na sa 9 katao ang nasawi habang umabot na sa P429.726,344 milyon halaga ng agrikultura at imprastraktura ang nawasak ng bagyong Quinta.
Pito ang naitalang nasawi sa MIMAROPA habang 2 sa Central Visayas (Region 7) na karamihan ay dahil sa pagkalunod habang iba naman ay nabagsakan ng puno.
Anim katao naman ang sugatan habang 2 naman ang naitalang nawawala sa Calabarzon, Mimaropa, Western Visaya at Central Visayas.
- Latest