^

Police Metro

5 katutubong rebeldeng NPA, sumuko

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumuko sa mga military ang limang te- roristang New People’s Army na kinabibilangan ng isang menor de edad at pawang mga katutubong  Agta.

Kinilala ng 5th Infantry Division (5ID) ng Philippine Army na nakabase sa Gamu sa lalawigang ito ang mga sumuko na sina alyas Daren, 22; Dario, 23; Jackson, 21; isang amasona na si alyas Lea, 31; at ang menor de-edad na isa pang babae na si alyas LenLen, 17, mga residente mula sa kalapit na lalawigan ng Quirino.

Ayon kay B/Gen Laurence Mina,Commanding General ng 5ID, ang mga katutubo na naging biktima ng panlilinlang ay pawang mga miyembro ng Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.

Sa salaysay ng limang sumuko sa 86th Infantry Battalion, Philippine Army, isa umanong alyas Wallen ang humimok sa kanila na sumama sa kilusan kapalit ng magandang buhay.

Subalit, namulat umano ang kanilang mga diwa nang dumanas sila ng matinding hirap kabilang na ang kawalan ng direksyon ng kanilang mga buhay kung kaya’t nagpasya silang tumakas at sumuko na lamang.

Ang mga katutubong sumuko ay ipapasok sa Alternative Learning System na programa ng Kagawaran ng Edukasyon at sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para mabigyan sila ng magandang trabaho at kabuha­yan sa hinaharap.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with