^

Police Metro

2 karnaper bulagta sa shootout

Mer Layson - Pang-masa
2 karnaper bulagta sa shootout
Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang shootout alas-3:00 ng madaling araw sa Sitio Kawayan farm, Barangay Halayhayin ng nasabing bayan ay nagkasa ng buy-bust operation laban sa mga suspek na nagbebenta ng hot car.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang dalawang lalaki na umano ay karnaper matapos manlaban sa mga otoridad sa isang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Pillilia, Rizal.

Kinilala ng mga otoridad ang isa sa napatay na suspek na si Jake Pi­ngal, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasama nito.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang shootout alas-3:00 ng madaling araw sa Sitio Kawayan farm, Barangay Halayhayin ng nasabing bayan ay nagkasa ng buy-bust operation laban sa mga suspek na nagbebenta ng hot car.

Sa gitna ng transaksiyon ay nakatunog ang da­lawang suspek na pulis  ang kanilang kliyente kaya’t nagbunot ang mga ito ng baril at pinutukan ang mga pulis na su­werteng walang tinamaan. Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang dalawang suspek.

Nabatid na bukod sa pagiging karnaper ng dalawang suspek ay sangkot din umano ang mga ito sa gun running, robbery hold-up at killer for hire na an g lider nila ay kinilalang si Ryan dela Cruz, alyas Mokong na may warrant of arrest sa kasong kidnapping.

Nakuha sa encounter site ang limang piraso ng kalibre .45 na baril, at isang unit ng hinihinalang nakaw na motorsiklo.- Doris Franche

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with