^

Police Metro

Bagyong Quinta magla-landfall sa Kabikulan

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang magla-landfall ang bagyong Quinta sa buong Bicol region  sa pagitan ngayong Linggo ng gabi hanggang bukas o Lunes ng umaga saka kikilos pakanluran papunta ng Southern Luzon.

Ayon sa PAGASA, bahagyang lumakas ang bagyong Quinta habang kumikilos pakanluran hilagang kanluran papunta sa Philippine sea.

Alas-10 ng umaga, ang sentro ni Quinta ay namataan sa layong 660 kilometro (km) ng sila­ngan ng Catarman, Northern Samar o nasa layong 730km ng sila­ngan ng Juban, Sorsogon.

Si Quinta ay patuloy ang pagkilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30km bawat oras taglay ang lakas ng ha­ngin na umaabot sa 55km bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 70km bawat oras.

Bunga ito, nakataas ang signal number 1 ng bagyo sa Catanduanes.

Ngayong umaga, si Quinta ay inaasahang nasa layong 320 kilometro ng silangan ng Virac, Catanduanes. Sa Lunes, nasa bisinidad ng Libmanan, Camarines Sur ang bagyo habang sa Martes, sa layong 265 kilometro ng kanluran ng Ambulong, Batangas at sa Miyerkules ay inaasahang nasa labas na ng Pilipinas.

vuukle comment

BAGYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with