Cong. Pichay kulong ng 10 taon sa kasong graft
MANILA, Philippines — Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si dating Local Water Utilities Administration Acting Chairman at ngayo’y 1st District Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr . kaugnay ng kasong graft at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials at makukulong ito ng anim na taon hanggang sampung taong at diskuwalipikasyon sa paghawak o pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.
Ayon sa ibinabang hatol ng 5th Division ng anti-graft court, si Pichay ay ‘guilty beyond reasonable doubt’ sa kaso ng katiwalian matapos ang ilang taong paglilitis sa kaso.
Ang kaso ay nag-ugat may ilang taon na ang nakalilipas matapos namang aprubahan ni Pichay ang paglalabas ng P 1.5-M pondo para sa 2nd Chairman Prospero Pichay Jr., Cup International Chess Championship na noon ay siya ring Presidente ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).
Si Pichay ay sinampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan noong 2016 sa paglabag sa Section 7 ng Republic Act (RA) 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
- Latest