Metro Manila manatili sa GCQ hanggang katapusan ng 2020
Inirekomenda ng mga mayor…
MANILA, Philippines — Patagalin hanggang sa katapusan ng 2020 ang ipinatutupad na General Community Quarantine sa Metro Manila.
Ito ang inirekomenda ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jose Arturo Garcia na ang rekomendasyon ay pinaboran ng 17 mayors ng National Capital Region.
Ipinaliwanag ni Garcia na mas madaling ipatupad ang dahan-dahang pagbabago sa ilalim ng GCQ kaysa sa biglaang modified general community quarantine (MGCQ).
Anya, magiging “gradual” ang pagluluwag depende sa sitwasyon at lahat naman ng kahilingan ng economic team ng gobyerno ay pinagbibigyan ng mga mayors sa NCR.
Ang NCR ay nasa ilalim ng GCQ hanggang Oktubre 31.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inirerespeto ng Malacañang ang rekomendasyon ng MMC.
Idinagdag ni Roque na maaari namang mas maluwag na GCQ ang ipatupad para sa mga business establishments.
- Latest