^

Police Metro

Metro Manila mayors naglatag ng 3 rekomendasyon sa IATF

Ludy Bermudo - Pang-masa
Metro Manila mayors naglatag ng 3 rekomendasyon sa IATF
Ang naging pulong ay naganap nitong Linggo ng gabi na pinangunahan ni MMDA Chairman Danilo Lim na irerekomenda ang curfew hours mula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw, maliban sa Navotas City na hindi aniya, babaguhin mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Naglatag ang 17 mayors sa Metro Manila ng tatlong rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious (IATF-EID) habang nasa ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Ito ang sinabi kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Maganer Jojo Garcia sa isang virtual press briefing.

Ang naging pulong ay naganap nitong Linggo ng gabi na pinangunahan ni MMDA Chairman Danilo Lim na irerekomenda ang curfew hours  mula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw, maliban sa Navotas City na hindi aniya, babaguhin mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Ikalawa ang edad ay mula 18 hanggang 65 na ang maaaring payagang lumabas ng kanilang bahay at ikatlo ay gawing 30 porsyento ang kapasidad sa simbahan upang mabigyan ng pagkakataon na mas marami ang makadalo.

Layunin ng pag-a-adjust sa edad ng papayagang lumabas ay para mapalakas ang ekonomiya at marami pa ang magbukas ng negosyo.

Nagpaalala ang MMDA, kahit mas maluwag na ang paglabas ng bahay ay dapat iwasan ang mga leisure travel at manatiling sumusunod sa health at safety protocols laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Napagkasunduan din ng Metro Mayors na manatili pa rin sa GCQ status ang MM hanggang sa Disyembre o pagtatapos ng taon.

vuukle comment

COVID-19

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with