^

Police Metro

6 katao timbog sa P2.5 milyong ecstasy

Danilo Garcia - Pang-masa
6 katao timbog sa P2.5 milyong ecstasy
Nakaposas ang isa sa 6 na suspek na kinabibilangan ng tatlong babae matapos na maaresto sila sa isang drug buy-bust operation sa Remedios Circle at nakumpiska ang nasa P2.5-M halaga ng ecstasy, kahapon ng madaling araw.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Anim na katao na kinabibilangan ng tatlong babae ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation at nasamsam sa kanila ang nasa P2.5 milyong halaga ng party drug na ecstasy sa Maynila, kahapon ng madaling araw.

Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang tatlong babae at tatlong lalaki kabilang ang target ng buy-bust na si alyas Jaybee.

Sa inisyal na ulat, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang ikasa ng mga tauhan ng pulisya at operatiba ng PDEA ang operasyon sa tapat ng isang bar sa may Remedios Circle.

Nagpanggap ang isang pulis na bibili ng droga at nang magkaabutan ng items ay doon na sumulpot ang mga nagtatagong mga otoridad at inaresto ang mga suspek at nakumpiska ang nasa 1,000 piraso ng tableta ng ecstasy na nagkakahalaga ng P2.5 milyon.

Sinabi ng suspek na si Jaybee na water delivery at laundry ang kaniyang negosyo at hindi iligal na droga.

Bukod sa kasong pag­labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kakasuhan din ang mga suspek sa paglabag sa quarantine protocols dahil sa ipinagbabawal pa ang anumang uri ng ma­lakihang pagtitipon tulad ng mga party at pagbubukas ng mga bar habang umiiral pa ang ‘general community quarantine’ sa Metro Manila.

vuukle comment

ECSTASY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with