Travel agencies, tour operators sa GCQ at MGCQ areas pinayagan
MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) na makabalik ng operasyon ang mga travel agency, tour operator, reservation service, at iba pang kahalintulad na negosyo sa mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 20-53 na nilagdaan ni Trade Secretary Ramon Lopez, ang nasabing mga serbisyo ay pwede nang magbukas muli sa 50 percent operational capacity kung nasa GCQ areas at 100 percent capacity sa MGCQ areas.
Gaya ng iba pang mga establisyimento, ipinaalala ng DTI na kailangang sumunod sa minimum public health standards at protocols.
Babantayan ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) at ng Regional o Provincial Offices ng DTI ang mga establisyimento para matiyak ang pagsunod sa alituntunin.
Una nang pinayagan ng DTI ang 24/7 operations ng mga restaurant at food chain, dine-in, take-out, at delivery services na nasa GCQ areas.
- Latest