^

Police Metro

4 nagbabanta sa dating sports writer, kinasuhan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na dating agent sa isang construction firm na nagbabanta sa buhay ng isang dating sports writer na si Virginia Rodriguez na sumibak sa kanila ang pormal nang sinampahan kahapon ng kasong grave threat sa Las Piñas City Prosecutor’s Office.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Christine Adaniel Escalante Reuyan at Mark Eudell Guerrero, habang slander naman kina Jose Gayoba, alyas Madam Lola at Myla Gumban.

Sa reklamo ni Rodriguez, sinabi nito na mula nang sibakin niya ang mga suspek ay pinagbabantaan na umano siya na papatayin.

Kumuha umano si Reuyan ng isang bayarang gunman at nagbigay ng paunang bayad na P100,000 upang siya ay ipatumba.

Sinisiraan pa umano siya ng mga suspek sa mga taong kakilala niya sa gobyerno upang sila ang makapagpatuloy ng mga proyekto matapos nakawin ang ilang dokumento sa kanyang kumpanya.

Ayon kay Rodriguez, kumpleto siya ng mga ebi­densya hinggil sa planong pagpatay sa kanya at pani­nira.

Una na ring nagpa-blotter sa National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Rodriguez dahil sa death threats sa kanya ng mga suspek.

vuukle comment

CASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with