^

Police Metro

Distansiya ng mga pasahero sa sasakyan niluwagan na

Malou Escudero - Pang-masa
Distansiya ng mga pasahero sa sasakyan niluwagan na
Ipinaalala ni Roque na bagama’t luluwagan na ang pagbiyahe sa mga pampublikong sasakyan, kinakaila­ngan na sundin ang pitong utos tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield, bawal magsalita o kumain, may sapat na ventilation sa loob ng sasakyan, madalas na disinfection sa mga sasakyan, hindi pagpapa­sakay sa mga may sintomas ng COVID-19, at tamang physical distancing.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Upang mapasigla pa ang ekonomiya ng bansa na labis na naapektuhan ng pandemya ay inaprubahan na ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang one-seat-apart rule sa mga pampublikong sasakyan.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mula sa layong isang metro ng bawat pasahero ay magiging one seat apart na lamang ito.

Bukod dito ay luluwagan na rin ang pagpasada ng mga bus, taxi, motorcycle taxi, shuttle, transport network vehicle service at iba pa.

Ipinaalala ni Roque na bagama’t luluwagan na ang pagbiyahe sa mga pampublikong sasakyan, kinakaila­ngan na sundin ang pitong utos tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield, bawal magsalita o kumain, may sapat na ventilation sa loob ng sasakyan, madalas na disinfection sa mga sasakyan, hindi pagpapa­sakay sa mga may sintomas ng COVID-19, at tamang physical distancing.

Inaprubahan na rin ang pagpapatupad ng mas maiksing curfew hours na nagsisimula ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga pati na ang pagkakaroon ng mu­ltiple work shifts para mas maraming manggagawa ang makabalik na sa trabaho at mas maraming consumer ang makalabas.

Inaprubahan din ang gradual expansion ng mga business establishment sa 75 hanggang 100 percent.

vuukle comment

EKONOMIYA

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with