^

Police Metro

Mister inutas ng selosang misis

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 50-anyos na mister nang siya ay saksakin ng kanyang misis dahil sa selos, naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Cabihian, Virac, Catanduanes.

Ang nasawi ay kinila­lang si Fidel Galicia Ida­nan, habang agad namang naaresto ang kanyang misis na si Cherlly Tabuzo Idanan, 48.

Sa ulat, bago naganap ang krimen, alas-8:20 ng gabi ay kapwa lasing na umuwi ang mag-asawa sa kanilang bahay galing sa pakikipag-inuman sa isang okasyon sa Brgy. Palta Big.

Habang nag-uusap ay naungkat  ng ginang ang pambababae ng mister dahilan para magkaroon nang mainit na pagtatalo ang mga ito.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng kutsilyo ang misis at sinaksak ng isang beses sa kaliwang dibdib ang mister.

Nang duguang bumagsak ang mister ay tumakas ang misis at kahit na may tama ang una ay humingi ito ng saklolo sa mga kapitbahay na nagdala sa kanya sa ospital, subalit hindi na siya umabot ng buhay.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with