Pork meat products mula sa 7 bansa, ban sa ‘Pinas
MANILA, Philippines — Dahil sa pinangangambahang pagpasok ng African Swine Fever (ASF), ipinagbabawal munang makapsaok sa Pilipinas ang mga pork meat products na magmumula sa pitong bansa na natukoy na apektado na rin ng ASF, batay sa inilabas na kautusan ng Food and Drug Administration (FDA).
Ito ay kasunod sa inilabas na FDA Order No. 2020-1283 na may petsang Oktubre 7, 2020 kaugnay sa mga bansang apekatdo ng ASF.
Sa kautusan, ipinabatid sa lahat ng food business operators na pansamantalang ipinagbabawal ang pagpasok ng anumang uri ng pork meat products na magmumula sa mga bansang Indonesia, Greece, Myanmar, Serbia, Slovakia, South Korea, at Germany.
Pinatitiyak ng FDA sa Bureau of Customs (BOC), local government units (LGUs) at law enforcement agencies na hindi makakapasok at makalulusot na maibenta sa merkado ang mga produktong karne ng baboy na galing sa mga tinukoy na bansa.
Binalaan din ng FDA ang mga importer, distributors, retail outlets at iba pang dealer ng processed pork meat products, na kung lalabag sa kautusan ay maaaring maharap sa kasong paglabag sa FDA Act of 2009, Food Safety Act of 2013, at iba pang batas sa food safety.
- Latest