^

Police Metro

16K seniors sa Quezon City napabakunahan laban sa trangkaso at pulmonya

Mer Layson - Pang-masa
16K seniors sa Quezon City napabakunahan laban sa trangkaso at pulmonya
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nasa 9,250 senior citizens na ang nakatanggap ng pneumococcal shots mula sa Quezon City Health Department habang 7,690 naman ang nabigyan ng flu vaccine mula Enero hanggang Agosto.
Unsplash stock

MANILA, Philippines — Napabakunahan ng Quezon City government laban sa pulmonya at trangkaso bilang proteksiyon na rin laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mahigit 16,000 senior citizens.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, nasa 9,250 senior citizens na ang nakatanggap ng pneumococcal shots mula sa Quezon City Health Department habang 7,690 naman ang nabigyan ng flu vaccine mula Enero hanggang Agosto.

Paliwanag naman ni Belmonte, inilunsad nila ang pagbabakuna sa mga matatanda upang maprotektahan sila laban sa banta ng virus.

Kaugnay nito, patuloy pa rin umano ang pag-iikot ng health care workers sa Quezon City para magbigay ng bakuna sa mga senior citizen.

Bukod naman sa bakuna, tumanggap din ang bawat senior citizen ng dalawang washable face mask habang nasa 300,000 senior citizen na rin ang naabutan ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng programang Kalingang QC.

Matatandaang kabilang ang mga senior citizens sa mga vulnerable o madaling tamaan ng nakamamatay na COVID-19, na isang respiratory disease dulot ng virus na SARS-CoV-2.

vuukle comment

COVID-19

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with