^

Police Metro

2 night club sa Pasay ni-raid: 97 arestado

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 97 katao kabilang ang 27 dayuhan ang inaresto matapos ang ginawang pagsalakay ng mga awtoridad sa dalawang high end night club at dahil sa paglabag sa “Bayanihan Act” o Republic 11332 at City Ordinance No. 6121 sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, alas 11:30 ng gabi nang lusubin ng pinagsanib na puwersa ng Southern Police District-District Intelligence Division (DID), District Special Operations Unit (DSOU), Disrict Mobile Force Battalion (DMFB), at District Drug Enforcement Unit (DDEU), kasama ang Pasay City Police ang Club Matric at Club 78 na matatagpuan sa  Hobbies of Asia, sakop ng Barangay 76, Macapagal Highway, Pasay City.

Dinatnan ng mga operatiba ang mga kustomer na pawang hindi nakasuot ng face masks at walang physical distancing habang nag-iinuman sa magkakaibang private rooms ng dalawang nabaggit na club.

Sa Matrix Club, inaresto ang 19 na foreigners, dalawang Pinoy, 18 babaeng customer care assistants, tatlong security guards at tatlong waiter habang sa Club 78 ay walong dayuhan, 17 customer care assistants, 25 empleyado at dalawang security guards.

Nakumpiska sa lugar ang nasa 1,774,165.00 cash; isang kalibre 38 na may 5 bala; at isang kalibre .45 na may 18 bala.

vuukle comment

RAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with