^

Police Metro

Engkuwentro: 3 npa rebels napatay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ang tatlong pinaniniwalaang mi­yembro ng New Peoples Army (NPA) habang marami pang rebelde ang sugatan nang makaengkwentro ang mga pulis at sundalo sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Alas, Mandaon, Masbate kahapon ng umaga.

Walang nakuha na pagkakakilanlan ang mga napatay na kadre habang nabawi ng tropa ng gobyerno mula sa mga ito ang isang garand rifle, isang carbine rifle, dalawang shotgun, dinamita at iba’t ibang uri ng mga pampasabog o improvised explosive device.

Sa ulat, dakong alas-5:13 ng umaga ay magkakasamang umakyat ng bundok ang mga kasapi ng 96 Military Intelligence Company, 2nd Infantry Batallion, 9th Infantry Division ng Phi­lippine Army, Regio­nal Intelligence Unit 5, Regional Mobile Force Batallion 5, Provincial Intelligence Unit, Balud Police at Mandaon Police para magsilbi ng warrant of arrest laban sa mga rebeldeng sina Roel Vargas, Jomar Tugbo at Eddie Arnold Rosero alyas Ka Star nang maengkwentro ang may 20 bilang ng NPA sa pangunguna ni (Eddie Arnold) Rosero na nagkakampo sa lugar.

Umabot ng 15-minutong palitan ng putok hanggang tumimbuwang ang tatlong rebelde kaya napilitang tumakas ang mga kadre.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with