^

Police Metro

Maagang pagboto ng 10-milyong seniors at PWDs isinusulong

Malou Escudero - Pang-masa
Maagang pagboto ng 10-milyong seniors at PWDs isinusulong
Nangangamba si Sen. Sonny Angara na mas lalong mababawasan ang mga seniors at PWDs na lalahok sa halalan dahil sa panganib sa kanilang kalusugan bunsod sa pagpunta at pagpila sa mga presinto.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng hirit ng ilang mambabatas na “no election” (No-el), isinulong naman ni Sen. Sonny Angara na makaboto nang maaga sa 2022 elections ang nasa 10-milyong senior citizens at persons with disability (PWDs) upang matiyak ang kanilang kaligtasan mula sa COVID-19 pandemic.

Nangangamba si Angara na mas lalong mababawasan ang mga seniors at PWDs na lalahok sa halalan dahil sa panganib sa kanilang kalusugan bunsod sa pagpunta at pagpila sa mga presinto.

“Mas makakabuti para sa ating mga seniors at PWDs na may hiwalay na araw ng pag boto para sa kanila. Napaka hirap para sa kanila na pumila pa habang mainit at makipag siksikan sa mga tao lalo na at may pandemya pa. Alam naman natin kung gaano kadelikado para sa mga may edad na ang COVID-19 na hanggang ngayon ay wala pang bakuna,”ani Angara.

Balak ni Angara na maghain ng panukalang batas na magiging daan upang mas maagang maka­boto ang mga seniors at mga PWDs sa 2022 elections habang pinatitingnan din niya sa Commission on Elections ang posibilidad na magkaroon ang mga senior at PWDs ng mas accessible na mga polling places na hindi na kailangang umakyat ng hagdan gayundin ang mas mahabang oras ng pagboto.

vuukle comment

COVID-19

ELECTION

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with