Opisyal ng NBI, utol na tauhan ng BI inaresto sa pastillas scam
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa nilang mataas na opisyal at ang kapatid nito na tauhan naman ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa reklamong may kinalaman sa pastillas scam.
Kinalala ang mga naarestong sina Atty. Joshua Capiral, NBI Legal Assistance Section; at kapatid na si Christopher Capiral na immigration officer.
Si Atty. Capiral ay siya umanong nakatoka sa pagsusuri ng imbestigasyon ng Special Action Unit (SAU) sa kontrobersyal na pastillas scam kung saan may kapangyarihan ito kung sino ang irerekomendang maisama sa kaso na mga immigration officers para sa SAU findings at sariling rekomendasyon.
Sa akusasyon, tumatanggap umano ng suhol si Atty. Capiral para makalusot ang immigration officer na nahaharap sa kaso dahil sa pastillas scandal.
- Latest