Health professionals puwede na uli magtrabaho sa ibang bansa – Duterte
MANILA, Philippines — Inianunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque na puwede nang makaalis patungong ibang bansa ang health professionals na kumpleto na ang mga papeles “as of August 31.”
Ito ay nang pumayag na umano si Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos ang pansamantalang travel ban na ipinatupad ng gobyerno dahil sa COVID-19.
Ani Sec. Roque, sa hanay pa lamang ng nurses ay posibleng nasa 1,500 na ang maaaring muling makabalik ng kanilang trabaho sa iba’t ibang mga bansa.
Matatandaang, ilang mga apela na ang ipinarating nang mga grupo ng medical workers sa Pangulo na alisin na ang temporary ban.
Ang pasiya ng Chief Executive ay batay na din sa una ng board resolution ng POEA na isinumite sa IATF upang mapayagan na din sana ang health workers na kumpleto na ang kanilang dokumento hindi lang “as March 8” kundi hanggang “August 31” na.
Related video:
- Latest