^

Police Metro

18 inmate, 1 jailguard sa BPJ, nagpositibo sa COVID-19

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 ang 18 preso at isang jail guard sa Bulacan Provincial Jail (BPJ).

Ito ang iniulat ni BPJ warden ret. P/Col. Marcos Rivero at inilagay na ang 18 inmate sa Cell no. 29 at hinahatiran na lamang sila doon ng pagkain, vitamins at gamot, habang ang jail guard ay naka-home qua­rantine na sa kanilang bahay sa bayan ng Pandi.

Ang mga nasabing nagpositibo ay unang nakaramdam ng sipon at pag-ubo kung kaya agad silang pina-swab test.

Simula pa noong Marso nang pumutok ang nasabing virus ay hindi na pinayagan ni Rivero ang pagtanggap ng dalaw sa nasabing piitan upang maiwasan ang pagkalat o ang pagkakahawa ng mga bilanggo sa mga dumadalaw na mula sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with