7 drug suspects timbog sa P164.5 milyong shabu
MANILA, Philippines — Pitong drug suspects ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tatlong buy-bust operation sa mga lungsod ng Parañaque at Taguig.
Unang naaresto, alas-3:30 ng hapon kamakalawa sina Mangie Sotolombo, 49; at Carlos Vallente, 27, sa isang buy-bust operation sa Pacific Avenue, Brgy.Tambo, Parañaque at nakumpiska ang tinatayang nasa 20 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P136 milyon.
Pasado alas-4:00 naman ng hapon kamakalawa nang maaresto si Marivic Aswilo Mabascog, 50, sa kahabaan ng Pacific Avenue, Brgy. Dongallo, Parañaque City at nasamsam ang may apat na kilo ng shabu na may street value na P27,200,000.
Sa Taguig City, alas-11:00 ng umaga kahapon nang maaresto sina Norsiya Salvador Ahin, 34; Puti Salik, 30; Baitata Salaiman Sultan, 24; at Unday Mupak, 32 at nasamsam ang 200 gramo ng shabu na may street value ng P1,360,000.
- Latest