^

Police Metro

DILG aprub sa pag-‘todas’ sa ‘todos’ ngayong taon

Angie dela Cruz - Pang-masa
DILG aprub sa pag-�todas� sa �todos� ngayong taon
Sinabi ni Año hinihikayat talaga nila ang pagsasara ng mga sementeryo para maiwasan ang pagtitipon ng mga tao.
Miguel de Guzman/File

MANILA, Philippines — Sinang-ayunan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga desisyon ng ilang lokal na pamahalaan na ipasara ang lahat ng mga pribado at pampublikong libingan sa panahon ng Todos los Santos ngayon taon dahil sa pandemiya.

Sinabi ni Año hinihikayat talaga nila ang pagsasara ng mga sementeryo para maiwasan ang pagtitipon ng mga tao.

Katuwiran ng kalihim, ang layon lang ng naman ng Todos los Santos ay bumisita sa mga puntod at aniya maari naman itong gawin sa ibang araw.

“Just imagine the scenario where millions of people will flock to cemeteries for that,” ani Año.

Ngunit ayon sa opisyal hindi pa lahat ng alkalde ay nagkasundo sa pagsasara ng mga libingan ngunit inaasahan na matatalakay ang isyu sa pagpupulong ng Metro Manila Council sa darating na araw ng Linggo.

Dagdag pa ni Año may iba pang paraan sa paggunita sa tradisyon tuwing Nobyembre 1 at 2 at isa na dito aniya ang pagdarasal na lang sa bahay.

Sinabi pa nito na maaring magkaroon ng malawakang hawaan sa mga sementeryo dahil milyon-milyon ang dumadagsa sa mga libingan tuwing Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.

vuukle comment

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with