Bebot timbog sa P13 milyong halaga ng shabu sa Makati
MANILA, Philippines — Isang babae ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Makati City at nasamsam ang nasa P13 milyon halaga ng shabu, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni PDEA Dir. Gen Wilkins Villanueva ang suspek na si Asrainie Bilao na nadakip sa isang buy-bust operation sa harap ng Army Navy, Waltermart, 790, Chino Roces St., Arnaiz Ave, Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.
Narekober ng mga operatiba sa suspek ang 2 kilos ng shabu, identification card at isang unit ng cellphone.
Nasa kustodiya ng PDEA ang suspek upang isailalim sa imbestigasyon at paghahanda ng kasong paglabag sa RA9165.
- Latest